10 Halimba Ng Panghalip

10 halimba ng panghalip

Answer:

Ang Panghalip ay ang salitang panghahalili o pamalit sa pangngalan. Ito ay tinatawag na Pronoun sa wikang Ingles.

Panao

ang tawag sa panghalip na pamalit o panghalili sa pangngalang tao. Ang panghalip na panao ay ipinapalit sa taong nagsasalita, kinakausap at pinag-uusapan. Ito ay maaring isahan o maramihan

Panauhan Isahan Dalawahan Maramihan

Una ako, ko, akin, kata kita, amin, natin, atin tayo, kami, naming, atin

Ikalawa iyo, mo, ka, ikaw kayo, inyo, ninyo kayo, inyo, ninyo

Ikatlo kaniya, siya, niya nila, sila, kanila nila, sila, kanila

Kung saan ang:

Unang Panauhan — tumutukoy sa tagapagsalita.

Ikalawang Panauhan — tumutukoy sa kinakausap.

Ikatlong Panauhan — tumutukoy sa pinag-uusapan.

Datu Kalantiaw

panghalip na ipinapalit o ihinahalili sa pangngalang bagay o lugar na itinuturo. Halimbawa, Ang ito, iyan at iyon ay mga panghalip na pamatlig na pambagay Ang dito, diyan at doon ay mga panghalip na pamatlig na panlunan.

Ginagamit ang:

Ito – kung hawak o malapit sa nagsasalita ang bagay na itinuturo

Iyan – kung hawak o malapit sa kinakausap ang bagay na itinuturo

Iyon – kung ang itinuturong bagay ay malayo sa nag-uusap

Dito – kung ang lugar na itinuturo ay malapit sa nagsasalita

Diyan – kung malapit sa kinakausap ang lugar na itinuturo.

Doon –kung ang lugar na itinuturo ay malayo sa nag-uusap

Ang dito, diyan at doon ay nagiging rito, riyan at roon kung ang nauunang salita ay nagtatapos sa patinig sa mala-patinig na w at y.

Halimbawa: parke roon; bahay rito

Kinalalagyan Paturol Paari Patulad Pahimaton

Malapit sa nagsasalita ito,ire,dito nito, nire ganito,ganire eto, heto

Malapit sa kausap iyan niyan ganyan hayan, ayan

Malayo sa kausap iyon niyon ganoon hayun, ayun

Panaklaw

Ito ay nagsasaad ng dami o kalahatan.

anuman, kaninuman, lahat, bawat-isa, alinman, sinuman, pulos, madla, iba

Nakahilig na pantitik halimbawa:Lahat tayo ay magtutulungan.

Panghalip na kaukulan

Palagyo

Ito ay kapag ginagamit ang panghalip bilang simuno.

Panauhan Una Ikalawa Ikatlo

Unang Panauhan ako kata kami

Ikalawang Panauhan ka ikaw kayo

Ikatlong Panauhan siya sila  

Halimbawa:  

Ako ang magluluto.

Ikaw ang magluluto.

Siya ang magluluto.

Paari

Ito ay nagsasaad ng pag-aari ng isang bagay.

Unang Panauhan akin, ko, amin, atin, naming, natin

Ikalawang Panauhan mo, iyo, ninyo, inyo

Ikatlong Panauhan niya, kaniya, nila, kanila

Halimbawa:  

(Pauna) Ang inyong damit ay nalabhan na.

(Pahuli) Ang damit mo ay nalabhan na.

Palayon

Ito ay ginagamit bilang layon ng pang-ukol at sumusunod sa pandiwang nasa tinig ng balintiyak.

Halimbawa:  

Si Jenny ay nakasakay ko.

Pinakain nila ang mga tuta.

Mga Gamit ng Panghalip

Panaguri ng Pangungusap

Halimbawa:  

Ang pera ay kanya.

Ang bola ay kanila.

Panuring Pangngalan

Halimbawa:  

Ang ganiyang tatak ng relo ay maganda.

Ginagamit bilang Pantawag

Halimbawa:  

Ikaw, umalis ka na.

Kayo, hindi ba kayo sasama?

Sila , hindi pa ba sila kakain?

Bilang Kaganapang Pansimuno

Halimbawa:  

Tayo ay kakain na.

Iyan ang gagawin mo.

Bilang Layon ng Pang-ukol

Halimbawa:  

Nagluluto si Diane para sa inyo.

Para sa kanila ito.

Sa kanila itong proyekto na ito.

Tagaganap ng Pandiwa sa Balintiyak na Ayos

Halimbawa:  

Inabutan niya sila ng pagkain.

Ang relo na binili mo ay maganda.

Explanation:


Comments

Popular posts from this blog

Bakit Mahalagang Pag-Aralin Ang Heograpiya

What Are The Basic Concepts Of Politics?